Tuesday, March 10, 2009

"Kabugan" ng Teatro Tomasino

Ramirez, Miguel Angelo M. 3LM2

Kabugan ang pamagat ng ikalawang pagtatanghal ng Teatro Tomasino sa kanilang ika-31 na taon sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ito nama’y binuo ng dalawang maliliit na dula na pinamagatang Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon ni RJ Leyran at Anino ni Allan Lopez.
Ang Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon ay isang kuwento ukol sa isang madaliang pag-ibig, na naganap sa isang zoo, sa likod ng isang mahabang panahong pagka-sawa sa mga sinaunang relasyon. Ang bilis ng tagpuan ng isang bagong pag-ibig ay siya ring bilis ng pagka-wala nito sa pag-pitik ng gatilyo ng asawa ng bidang lalake. Parehas silang namatay.
Ang kataksilan ng ama’y minamana nga naman ng anak. Ito ang tema ng ikalawang dula ng Kabugan sa ngalan ng Anino. Inilathala naman dito ang determinasyon ng anak na linisin ang pangalan ng kaniyang ama sa pamamagitan ng pag-angkin sa sanggol ng kalaguyo nito. Ipinakita din ang kapit ng lipunang Pilipino sa Diyos sa pag dating ng mga ganitong suliranin sa ating buhay.
Medyo mabagal nga lang ang takbo sa ilang pag-uusap sa Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon, medyo malamya din ang facial expressions na lalo pang pinatibay ng kakulangan ang mga galaw at kumpas ng kamay. Kung kakanta ka nga naman sa sobrang galak dahil sa pag-ibig, bakit hindi mo i-“exaggerate” ang mga kilos? Ang ilang kilos din ay bumagabag sa akin, tulad ng pag-talikod ng magkasintahan sa isa’t-isa’y nasobrahan naman ata sa pagkaka-dula. Ang “monotonous” na daloy ng mga eksena ang nagpa-bagot sa akin.
Masasabi kong mas nagustuhan ko ang “Anino” sa kadahilanang ipinakita nito ang kakayahan ng mga Tomasino sa pag-arte ng seryoso, kadalasan kasi ng mga pagsasa-dula’y puros sayaw (hindi naman Bumbay) at “cliché comedy”. Sinira nga lamang ng entrada ng mga multo at ng “narrator” ang seryosong atmospera ng dula. Yun na lang at kaunti pang linaw sa pag-bigkas ng mga Pilipinong salita’t lakas ng boses ang aayos sa nasabing dula. Huwag ding gumastos ng malaki sa “props” at “set”, mag resiklo, mas pinahahalagahan ng manonood ay “substance” kaysa sa “form” Dahil dito bibigyan ko ang unang dula ng 4/10 at ang ikalawa nama’y 7.5/10.

"Ploning" ni Dante Nico Garcia

Ramirez, Miguel Angelo M. 3LM2

Ang kuwento ng buhay ni Ploning (Judy Anne Santos) ay ginanap sa Cuyon, Palawan, na kung saa’y nag simula ang kuwento sa paghahanap ng binatang si Muo Sei, na lulan ng isang ilegal na barkong pang-isda, kay Ploning. Digo (Boyong Fernandez) ang pangalan ni Muo Sei noong siya’y isang bata pa. 25 taon na rin ang lumipas nang sila’y nagkahiwalay. Sa mata ng musmos na Digo, si Ploning ang nagsilbi niyang naglalakad na nanay. Siya ang palagi niyang kasama, tinuturuan siya nito ng mga aral na kanyang dadalhin hanggang sa pag-laki. Sa paraan ng pagaalaga at atensiyon kay Digo, itinuring na rin niyang anak ang bata.
Ang mga paulit-ulit na balik tanaw sa Cuyo ng pelikula ang nagpatunay sa kagustuhan ng binatang si Digo na hanapin muli si Ploning. Noong si Ploning ay naninirahan pa sa Cuyo itinatago ng kaniyang pagkamahin-hin ang isang pag-ibig na gumagambala sa isip ng mga taong-bayan. Ang alam ng iba’y inaantay niya si Tomas kaya’t hindi pa siya nag-aasawa. Tatandang dalaga na lang daw siya.
Meron din siyang sikretong hindi mabubunyag hanggat hindi siya nagtutungong Maynila. Sa desisyong ito nag-umpisa ang galit ni Ploning sa ama niyang si Susing sa kadahilanang ayaw siyang payagan nito na magtungo ng Maynila upang hanapin si Tomas, ang kasintahan niya noong siya’y 16 taong gulang pa lamang. Hindi rin sang-ayon ang batang si Digo sa panukalang ito ni Ploning, at gagawin niya ang lahat mapigilan lamang ito sa pag-alis. Nagtagumpay naman si Digo sa nasabing pagpigil ngunit sila’y tuluyan ding nagkahiwalay nang sa wakas ay dumating ang ulan sa Cuyo, na kasasabay din nang pagka-wala ni Ploning, inakala ni Digong nag punta siya ng Maynila kaya’t hinanap niya ito.

Ang pagiging ina ni Ploning kay Digo ang sikretong bumabalot sa nasabing pelikula.

Gumamit din ang direktor (Dante Nico Garcia) sa kurso ng pelikula ng mga simbolismo upang mailathala ang ilan sa mga ideya na mas makakapag-organisa ng mga pangyayari. Halimbawa: Ang lata ng lychee ang nag-silbing ala-ala ni Digo kay Ploning dahil palagi nila itong pinagsasaluhan 25 taon nang nakalilipas. Ang bato namang palaging kinakas-kas ni Ploning ay ang nagsilbing ala-ala ni Tomas. Ang tsinelas naman ang lumikha ng isang atmospera ng distansya at paghahanap. Isang puting damit naman ang nagpahiwatig sa pag-ibig na puro’t walang dungis, at ang asin naman na sumisimbulo sa lupain ng Cuyo.

Ang simplisidad ng buhay probinsya, ang pangungumpara ng liberal at konserbatibong pag-ibig, tiwala sa kapwa’t ang dangal ng pamilyang Pilipino ang ilan sa mga magagandang aspeto ng pelikula.

Makatotohanan ang mga artista’t ekstrang gumanap sa pelikula. Maayos at natural ang pag-arte ng mga ito. Damang-dama ko ang init ng isang tanghaling tapat sa Cuyo. Ang mga costumes at kagamitang ginamit sa mga pagbabalik-tanaw ay maayos na naipadaloy sa buong kurso ng pelikula. Sabay pa nito ang maayos at koordinasadong kumpas ng mga kilos, ekspresyon ng mukha’t damdamin ng mga dayalogo.
At para sa isang obrang Pilipinong may magandang istorya’t cinematography na minsan na lamang lumalabas at naipapamahagi sa masa bibigyan ko ang Ploning ng 8/10.

“Samtoy” ni Mes DeGuzman

Ramirez, Miguel Angelo M. 3LM2

I. Sinopsis

Ang Samtoy ay isang maikling-kwento mula sa Barriotic Punk, isang koleksyon ng maiikling-kwento na isinulat ni Mes DeGuzman. Ang kuwento ng Samtoy ay umiikot sa dalawang magkaibigang naipit sa isang pangungursunada ng isang frat-fratan na kung tawagin ay Samtoy. Ito ay isang samahan ng mga Iloko na nangha-harass ng mga estudiante sa kanilang paaralan. Nagsimula ang kwento nang harangin ang dalawang Totoy ng mga pangit na Iloko sa paglabas nila ng klasrum. Ininterrogate sila ng mga ito ng mga katanungang, “ilokano ka ba?” at “taga-saan ka?” na kapag ika’y Iloko’y awtomatik na nang maisasali sa kanilang samahan. Matinding takot ang naidulot ng engkwentrong ito sa dalawang mag-aaral na sa huli’y nakagawa ng paraan upang makatakas sa panghaharang ng mga siga sa pamamagitan ng pagsabay sa mga gurong dumadaan sa corridor. Nang papaalis na ng gusali ang dalawang kumakaripas na Totoy ay naikwento ni Boyet ang masama niyang karanasan sa kasama. Pambubugbog at ekstorsiyon ng pera ang ilan sa mga ito. Hindi naman mapigilan ng bida ang pagmumunimuni sa mga kahihinatnan niya kung sakaling balikan sila ng mga pangit na iyon. Pag-uwi niya ng boarding house ay naikwento niya sa mga nagsisiksikang karoom-mate ang mga nangyari sa kanila ni Boyet kanina. Ang mga ito’y nagsipagtapang-tapangan at humirit pang reresbakan daw nila ang mga mokong na humaharang sa bida. Ngunit nang malaman nilang ito ay ang samahan ng mga Iloko’y isa-isa silang tumiklop at natakot sa kwento ng bida. Nang matapos na ang kanilang munting sharing, hindi naman makatulog sa pagmumunimuni ang bida sa sobrang pag-aalala niya sa mga maaaring mangyari. Sa takot at kaba, dumapo sa isip niya ang bumalik sa probinsiya upang magkaroon ng kaginhawaang-loob sa piling ng kaniyang mga kapamilya. Ipinakita din sa sandaling ito ang experience ng mga estudyanteng inaasahan ng mga magulang na makakapag-ahon sa kanila. Na ang mga frat daw sa probinsiya ay tinitingala dahil sa kanilang mabuting naidudulot sa komunidad sa nayon, na kabaligtaran naman ng mga frat sa Siyudad na bugbugan ang ehersisyo at ice-pick ang mga kaibigan. Napagisip-isip din niya na siya lamang ang makakalutas ng mga problema niyang ito. At nang gumising sa kinaumagahan ay dali-dalian niyang kinuha ang isang kutsilyo sa kusina, na kaniya naming gagamitin upang matapos na at maibsan ang ala-bundok niyang kaba. Ngunit pag-pasok niya sa paarala’y nagulat siya nang masaksihan niya ang mga mokong na umbagin ng mga mas mokong sa kanila – ang mga sikyu. Sa gulat ay nahulog niya ang kaniyang takas-sandata sa may entrada ng gusali, at sa sandaling pupulutin na niya iyon nakarinig siya ng mga yabag ng isang papalapit na sikyu. Kabado siya sa kadahilanang baka mapaghinalaan siyang kasapi ng Samtoy, ngunit pagtingin niya sa hawak, di niya namalayang kutsara pala ang kaniyang nadala.

II. Pagsusuri

Ang estilo ng kuwento ay impormal, ito ay ipinagtitibay ng mga pangyayaring lokal at kanto o mga tagpuang karaniwang nararanasan ng mga estudyante sa pag-labas nila ng silid-aralan. Sinimulan ang naturang problema ng bida sa paglalahad ng mga ito sa umpisa ng kuwento. Idinikta nito ang ilan sa mga katotohan ng ating lipunan pag-dating sa mga fraterniting mapanikil. Ang direksyon ng kuwento ay naaayon sa pag-tingin ng mga kabataang tinedyer na kadalasang napagsasamantalahan ng mga mas malakas sa kanila. Inilathala din ng kuwento ang napakalaking pagkakaiba ng buhay siyudad sa buhay probinsiya sa pamamagitan ng isang pangungumpara sa mga frat nito. Ang kahirapan din ng buhay ay ipinahiwatig sa paraan ng kawalan ng pag-asa, na kung saa’y ang ilang mga tao sa ating lipunan’y umaasa na lamang sa paninikil upang matustusan ang kanilang mga bisyo’t kalokohan.

III. Rekomendasyon/ Kongklusyon

Naipahiwatig ng maige ng awtor ang nais niyang ilahad sa mga mambabasa. Ang kuwentong ito ay isang pambukas ng mata sa kadahilanang inilathala nito ang ilan sa problema’t katotohanang kadalasang kinakaligtaan ng lipunan. Wala nang kailangang idag-dag pa’t baguhin sa naturang likha. Inirerekomenda ko ito sa mga kabataang mambabasa na kasalukuyang nag-hahanap ng unawa sa makabagong mundo ng siyudad at kolehiyo. 4/5

Tuesday, March 3, 2009

Walang Ibang Sadya ni Joey Ayala

Ramirez, Miguel Angelo M. 3LM2

aanhin ang mata kung walang mapagmasdang
sayaw sa indayog ng talahiban
aanhin ang tenga kung hindi mapakinggan
ang awit ng hangin sa punong-kahoy
aanhin ang labi kundi madampian
ng ulan o di kaya'y mahagkan ng ilog
pagmasdan, pakinggan, lasapin ang mundo
walang ibang sadya ang ayos nito
bulaklak sa paanan naghihintay ng pansin
ano pa ang buhay niya kundi mo langhapin
ang bato sa batis - kinis niya'y masasayang
kundi mo mahaplos ang pisngi niyang alay
anhin pa ang balat kundi maramdaman
ang lambing ng araw at ang sariwang simoy
langhapin, haplusin, pansinin ang mundo
walang ibang sadya ang ayos nito
ganoon din ang tao - nang siya'y mahalin
ang tanging pangarap, tanging katuparan

metapor/pagwawangis – “ganoon din ang tao - nang siya'y mahalin ang tanging pangarap, tanging katuparan”
personipikasyon/pagbibigay-katauhan – “bulaklak sa paanan naghihintay ng pansin”, “lambing ng araw”, “kundi mo mahaplos ang pisngi niyang alay”
paglilipat-wika/paurintao – “sayaw sa indayog ng talahiban”, “ang awit ng hangin sa punong-kahoy”
paghihimig/ onomatopoeia – “ang awit ng hangin sa punong-kahoy”

erp

Ramirez, Miguel Angelo M. 3LM2


ang ‘erp’ ay ang kabaligtarang-ispeling ng salitang ‘pre’ na nagmula sa salitang ‘erap’, ang binaligtad na bersyon ng salitang ‘pare’ na ang tatay at ang punot-dulo ng lahat ay ang ‘kumpare’. Ito ang batiang ginagamit ng mga kabataan noong 1980s. Simbulo ito ng pagiging malapit ng mga magkakabarkada sa hirap at ginhawa. Lungkot at saya. Taas at baba man ang ikot ng chubibo.