Ramirez, Miguel Angelo M. 3LM2
Kabugan ang pamagat ng ikalawang pagtatanghal ng Teatro Tomasino sa kanilang ika-31 na taon sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ito nama’y binuo ng dalawang maliliit na dula na pinamagatang Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon ni RJ Leyran at Anino ni Allan Lopez.
Ang Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon ay isang kuwento ukol sa isang madaliang pag-ibig, na naganap sa isang zoo, sa likod ng isang mahabang panahong pagka-sawa sa mga sinaunang relasyon. Ang bilis ng tagpuan ng isang bagong pag-ibig ay siya ring bilis ng pagka-wala nito sa pag-pitik ng gatilyo ng asawa ng bidang lalake. Parehas silang namatay.
Ang kataksilan ng ama’y minamana nga naman ng anak. Ito ang tema ng ikalawang dula ng Kabugan sa ngalan ng Anino. Inilathala naman dito ang determinasyon ng anak na linisin ang pangalan ng kaniyang ama sa pamamagitan ng pag-angkin sa sanggol ng kalaguyo nito. Ipinakita din ang kapit ng lipunang Pilipino sa Diyos sa pag dating ng mga ganitong suliranin sa ating buhay.
Medyo mabagal nga lang ang takbo sa ilang pag-uusap sa Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon, medyo malamya din ang facial expressions na lalo pang pinatibay ng kakulangan ang mga galaw at kumpas ng kamay. Kung kakanta ka nga naman sa sobrang galak dahil sa pag-ibig, bakit hindi mo i-“exaggerate” ang mga kilos? Ang ilang kilos din ay bumagabag sa akin, tulad ng pag-talikod ng magkasintahan sa isa’t-isa’y nasobrahan naman ata sa pagkaka-dula. Ang “monotonous” na daloy ng mga eksena ang nagpa-bagot sa akin.
Masasabi kong mas nagustuhan ko ang “Anino” sa kadahilanang ipinakita nito ang kakayahan ng mga Tomasino sa pag-arte ng seryoso, kadalasan kasi ng mga pagsasa-dula’y puros sayaw (hindi naman Bumbay) at “cliché comedy”. Sinira nga lamang ng entrada ng mga multo at ng “narrator” ang seryosong atmospera ng dula. Yun na lang at kaunti pang linaw sa pag-bigkas ng mga Pilipinong salita’t lakas ng boses ang aayos sa nasabing dula. Huwag ding gumastos ng malaki sa “props” at “set”, mag resiklo, mas pinahahalagahan ng manonood ay “substance” kaysa sa “form” Dahil dito bibigyan ko ang unang dula ng 4/10 at ang ikalawa nama’y 7.5/10.
Tuesday, March 10, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Higit sanang maganda kung naging krikal pa sa pag-aanalisa ng dula. 92%
ReplyDelete